MABILIS na nadaragdagan araw-araw ang bilang ng mga pulis na infected sa COVID-19.
Hanggang kahapon nasa 4,028 pulis pa ang patuloy na nagpapagaling makaraang dapuan ng COVID-19 ang 390 pang pulis, ayon sa Philippine National Police (PNP)-Health Service.
Habang 129 pulis pa ang nakalabas na ng ospital at isolation facilities makaraang tuluyang gumaling kaya nasa 41,165 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus.
Mula Nobyembro 10, 2021 ay hindi na nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.
Samantala, sa datos ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF), 51,595 pang pulis ang tumanggap na ng boosters shots, 216,415 naman ang fully vaccinated habang 7,664 pa ang naghihintay ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccines.
Nasa 1,235 pulis pa ang hindi nababakunahan kabilang ang 544 cops na may balidong dahilan dahil mayroong karamdaman at 691 pa ang may sariling paniniwala laban sa bakuna. EUNICE CELARIO