4,082 DISCIPLINARY CASES NG PNP NARESOLBA NA

INIULAT ng Philippine National Police (PNP) na pumalo na sa 4,082 disciplinary cases ng kanilang mga tauhan ang naresolba na.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ang nasabing bilang ay mula Enero 1 hanggang katapusan ng Agosto ng taong kasalukuyan.

Ang mga naresolbang kaso ay nagresulta sa 935 dismissal sa serbisyo, 242 demosyon, 1,850 suspensyon, 159 forfeitures of salary, 680 reprimand, 110 restrictions, at 106 pag-withhold ng benepisyo.

Dagdag pa ni Fajardo, isang malaking hakbang sa pagsisikap ng PNP na masigurong tumatalima ang kanilang mga tauhan sa pinakamataas na antas ng propesyonalismo at integridad.

Ito ay nagsisilbi na rin babala sa mga pulis na mapatunayang sangkot sa iligal na aktibidad na mahaharap sa kaukulang parusa.
EUNICE CELARIO