KUMILOS na ang Department of Agrarian Reform (DAR) para maipamahagi ang mga titulong matagal nang inaasam ng mga magsasaka sa bansa.
Ito ay kasunod ng pahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa makupad na pagproseso ng mga tit-ulo ng lupa sa mga probinsiya.
Sa isang press conference, sinabi ni DAR Secretary John Castriciones na hindi madaling magbigay ng mga titulo ng lupa sa kadahilanang may mga proseso silang sinusunod alinsunod sa itinatadhana ng batas.
Kaalinsabay nito, nakatakdang mamahagi ng certificate of land ownership award (CLOA) ang DAR sa mga magsasaka sa Pebrero 22 sa Sagay City, Negros Occidental na naging kontrobersiyal dahil sa pagkakapatay noon sa siyam na mag-sasaka sa lugar.
Inaasahang dadalo si Pangulong Duterte sa pamamahagi ng land titles kung saan sa Marso 16 sa bahagi ng Talavera, Nueva Ecija ay magsasagawa rin ng CLOA distribution, gayundin sa Barangay Bantog, Tarlac na bahagi ng Hacienda Luisi-ta.
Nabatid na target ng DAR na maipamahagi ang halos 40,000 ektaryang lupa sa mga magsasaka ngayong 2019. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.