40K GUMALING PA SA COVID-19

DOH-recover

UMABOT na ngayon sa mahigit 112,000 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa case bulletin #155 na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na nakapagtala pa sila ng karagdagang 40,397 bagong recoveries araw ng Linggo sanhi upang umakyat na ngayon sa kabuuang 112,586 ang total COVID-19 recoveries sa Filipinas.

Ayon sa DOH, naitala nila ang naturang bilang ng recoveries bunsod ng implementasyon ng time-based recovery strategy ng Oplan Recovery.

“Of the 40,397 total new recoveries, 914 were based on what was reported  while 39,483 were time-based recoveries,” anang DOH.

Samantala, maging ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases naman ay tumaas din at umabot na ngayon sa 161,253 matapos na makapagtala pa ng panibagong 3,420 confirmed cases.

“As of 4PM today, August 16, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 161,253,” anang DOH. “A total of 3,420 confirmed cases are reported  based on the total tests done by 99 out of 105 current operational labs.”

Sa naturang bilang, 46,002 ang nananatili pang aktibong kaso.

Nasa 90.7% naman ang mga mild cases, 6.7% ang mga asymptomatic, 1.1% ang severe cases at 1.5% ang critical cases.

Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 2,091 new cases, sumunod ang Laguna na may 263 naman, Cavite na may 149, Batangas na may 137 at Rizal na may 106 bagong kaso ng sakit.

“Of the 3,420 reported cases today, 2,745 (80%) occurred within the recent 14 days (August 3 – 16, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,594 or 58%), Region 4A (619 or 23%) and Region 7 (86 or 3%),” anang DOH.

Samantala, mayroon ding naitala ang DOH na 65 pasyente na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Ang 29 (45%) ay naitala nitong Agosto; 29 (45%) noong Hulyo at pito (11%) noong Hunyo.

Ang mga namatay ay mula sa NCR (46 o 71%), Region 7 (13 o 20%), Region 4A (3 o 5%), Region 3 (1 o 2%),Region 5 (1 o 2%), at Region 11 (1 o 2%).

Sa kabuuan, mayroon na ngayong naitatalang 2,665 total reported COVID-19 deaths ang Pilipinas. ANA ROSARIO                             HERNANDEZ

Comments are closed.