40K OFWs ATRAS SA PAG-UWI NG PINAS

Silvestre Bello III

NASA  40,000 na displaced overseas Filipino workers ang naghihintay nang makauwi sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, noong una ay nasa 80,000 ang nais umuwi ng bansa subalit umatras ang mahigit kalahati nito matapos mabakunahan kontra COVID-19.

“So hindi na sila nagtuloy, umatras na sila. Siguro may mga naiwan pa between 40,000 to 50,000,” pahayag ni Bello.

Dagdag ni Bello nasa 1,000 ang mga OFW na na nire-repatriate kada araw.

Ayon din sa ulat ng DOLE, may 370,000 na OFWs ang pinauwi sa kanilang mga tahanan at 126,000 naman ang umuwi sa probinsya. LIZA SORIANO

36 thoughts on “40K OFWs ATRAS SA PAG-UWI NG PINAS”

Comments are closed.