NAGPAKALAT ng karagdagang 40,000 na pulis ang Philippine National Police (PNP) ngayong pasko partikular sa mga lansangan para sa holiday rush traffic na nararanasan ngayon sa buong bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, sadyang naglaan ng dagdag na puwersa para tutukan ang nagaganap christmas exodus.
Partikular na tutukan ng ikakalat na puwersa ang mga places of convergence gaya sa mga pantalan, terminal, paliparan, mga simbahan at iba pang places of worships para masiguro magiging maayos at payapa ang gagawing selebrasyon ng sambayanang Pilipino ng Kapaskuhan.
Sa kasalukuyan ay wala pa umanong validated threat na natatangap ang ibat ibang intelligence unit ng pamahalaan at wala pa ring untoward incidents na naitatala simula ng pagdagsa ngayong holiday season.
Bukod sa augmentation force na dineploy ng ibat ibang LGU’s ay nagtalaga rin ang PNP ng mga helpdesk na maaari hinggin ng tulong ng publiko.
Bukod sa ibat ibang force multipliers ay katuwang din ng PNP ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtiyak ng mapayapang pagdiriwang ng pasko at pagsalubong ng Bagong taon.
VERLIN RUIZ