40th CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS JUDGES FORUM

CMMA-3

“AND you shall know the truth, and the truth shall set you free.” (John 8:32)

Apatnapung taon na rin ang nakalilipas si­mula nang maitatag noong 1978 ang Catholic Mass Media Awards (CMMA) ng yumaong Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, na may layu­ning makapagbigay karangalan sa mga natatanging media product na nakapagbibigay inspirasyon at mabuting kaugalian sa mga manonood nito.

Gayundin, ang CMMA ay nagsilbing parangal sa mga nag­lilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng media. Naisakatuparan ang layunin nito sa pamamagitan ng mga respetadong personalidad sa larangan ng komunikasyon, mga kritiko, mga miyembro ng academe, mga pari, mamamayan at civic organization, na naglalaan ng kanilang oras at kasanayan upang maging hurado sa pagpili ng mga pinakamagagaling at karapat-dapat na entries sa iba’t ibang kategorya sa media. Ang mga kategoryang ito ay ang sumusunod: Print Media, Radio, Television, Advertising, Cinema, Music at Internet.

Sinabi ni Rev. Fr. Hans Magdurulang, CMMA judges coordinator, na idinaos ng CMMA ang Judges’ Conference “as a way for CMA judges to update and renew their commitment to serve the Lord by acknowledging the true and positive image of the mass media.”

Ginanap ang unang “Catholic Mass Media Awards Judges Forum 2018” noong Hulyo 5, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Lay Formation Center, San Carlos Seminary, Guadalupe, Makati City bilang pag­hahanda para sa ika-40 na anibersaryo ng CMMA. Ang forum ay may temang “The Truth will Set You Free (Juan 8:32); Fake News and Journalism For Peace.”

Ang Judges’ Conference ay nagsimula sa isang misa sa pangunguna ni Fr. Anton T. Pascual, presidente ng Radio Veritas. Tatlong mensahe ang kanyang ibinigay na may paksang “managing our mind” o paghawak sa ating kaisipan. “Be careful of what you think. All temptations are on our mind. The mind is the key to peace and happiness, and fulfillment. First, you have to fill your mind with the truth every day. The flesh, the evil within you, and Satan, ‘yan ang kaaway natin. As a Christian, we need to feed our mind with the words of God. Second, free your mind from distractive thoughts. Third, focus your mind on the right things. The managed mind needs to surrender and secure. To attain mental health is to manage our lives every day.”

Pinangunahan ni Mr. D. Edgard A. Cabangon, CMMA chairman ang unang pagbati sa komperensiya. Pinuri niya ang CMMA judges na siyang “unsung heroes of the CMMA” dahil sa pag-uukol ng kanilang oras, talino at matinding pagsisikap para kilalanin ang nararapat na maging CMMA awardees.

Mataas ang pagkilala sa CMMA judges ni Ambasssador Antonio L. Cabangon Chua, na nagsilbing chairman ng CMMA board of trustees sa loob ng labimpitong taon.

“Dahilan sa kanilang integridad, katapatan at walang kinikilingan, ang CMMA ngayon ay kinikilalang “most prestigious awards-giving body in the country,” sabi pa ni Mr. Cabangon.

Ang pagbati ay sinundan ng unang panauhing tagapagsalita na si RGMA Network, Inc. president Mike MIKE EnriquezEnriquez. Tinalakay nito ang ilan sa mga isyu na may kaugnayan sa “fake news”.

“Isipin niyo na lang po, na behind every mic­rophone, behind every camera, behind every blog, website, or article, ispin niyo ‘yung taong nagbigay ng report. Not just what is presented, because as all other sectors, not just media, there are people with different agendas and motivations in presenting the news,” wika pa ni Mike Enriquez.

Fr-Jerome-SecillanoMatapos nito ay nagsalita rin si Fr. Jerome Secillano, parish priest ng Our Lady of Perpetual Succour Parish at executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sumang-ayon si Fr. Secillano sa sinabi ni Enriquez na kaila­ngang maging maingat at mapagmasid laban sa fake news, dahil ito ay nagi­ging sanhi ng pagkalito ng mamamayan tungkol sa standards of morality.

“Hindi na sila nakakasigurado kung ano ang tama at mali,” ani Fr. Secillano.

Nilinaw naman ni Fr. Joselito Buenafe, trustee at production group director ng CMMA, “ang CMMA ay para sa lahat at hindi lamang ito para sa mga Katoliko. Naiiba ang criteria nito sa ibang mga awards prog­ram dahil isinasaalang-alang ang pagkakaroon ng highest human at Christian values ng isang entry.”

Ang ilan pa sa mga pangunahing atraksiyon sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng CMMA ay ang paggawa ng isang photo exhibit na nagpapakita ng highlights ng CMMA sa loob ng 40 na taon, kabilang sa exhibit ang larawan mula sa pelikulang “Himala” na pinagbidahan ni Nora Aunor noong 1982 sa kategor­yang Cinema.

Noong 1980 naman, unang ipinakilala ang kategor­yang musika sa CMMA at binigyang parangal ang kantang “Anak” ni Freddie Aguilar na talaga namang kapupulutan ng aral at hango sa karaniwang sitwasyon na nangyayari sa tunay na buhay.  AIMEE GRACE ANOC

Comments are closed.