41 KATAO PATAY SA HURRICANE SA US

WALANG Pinoy na nakasama sa 41 katao na nasawi dahil sa malaking pagbaha matapos manalasa ang Hurricane Ida sa New York at New Jersey nitong madaling araw ng Huwebes.

Ayon ito sa ipinarating na abiso ng Philippine Consulate sa New York sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ng DFA, nasa 236,000 bilang ng mga Filipino Americans ang nakatira sa New York, samantalang sa New Jersey ay nasa 280,000.

Lumalabas sa report, matindi ang pagbaha New York City dahilan upang mag-shut down ang operasyon dahil inabot ng tubig baha ang mga riles at inabot ng tatlong inches ang baha sa Manhattan restaurant.

Kinansela rin ang daan-daang biyahe ng mga eroplano sa La Guardia at KFK airports, sinalanta rin ni Hurricane Ida ang mga gusali at higit sa milyong kabahayan ang walang supply ng koryente.

Nabatid na 12 katao ang nasawi sa New York, na ayon sa pulisya ang 11 dito ay hindi nakalabas ng kanilang basement at na-trap sila ng baha at ang mga biktima ay nasa edad na 2 hanggang 86-taong gulang.

Pahayag naman ni US President Joe Biden, handang umayuda ang gobyerno sa naapektuhan ng naturang malakas na bagyo.

“We’re all in this together. The nation is ready to help,” ayo ito kay Biden.

Bukod sa New York, binaha rin ang New Jersey at nabatid sa gobernador nito na si Phil Murphy,b 23 katao ang nasawi rito.

Ayon kay Murphy, karamihan sa mga nasawi ay mga naabutan ng malakas na tubig baha sa kanilang mga sasakayan.

Tatlo katao pa ang nasawi sa New York suburb of Westchester, samantalang tatlo rin sa Montgomery County.

Pinaalalahanan ng DFA ang mga Pinoy roon na ibayong pag-iingat at laging makipag-ugnayan sa mga local authorities doon. LIZA SORIANO

7 thoughts on “41 KATAO PATAY SA HURRICANE SA US”

  1. 700763 166673I havent checked in here for some time because I thought it was acquiring boring, but the last couple of posts are genuinely very good quality so I guess Ill add you back to my daily bloglist. You deserve it my friend. insurance guides 22272

  2. 136603 817414When I originally commented I clicked the -Notify me when new feedback are added- checkbox and now every time a remark is added I get four emails with the same comment. Is there any approach you will be able to remove me from that service? Thanks! 700741

  3. 622124 592207I admire the helpful facts you offer inside your articles. I will bookmark your weblog and also have my children verify up here often. Im very certain theyll learn plenty of new items correct here than anybody else! 289521

Comments are closed.