MAHIGIT 200 aplikante ang na ‘Hire on the Spot’ ng nasa 41 malalaking kumpanyang naglaan ng 3,733 trabaho na kung saan dinumog ng halos newly graduates at ilang kabataang unemployed ang naganap na Job Fair ng SM Grand Central sa Caloocan City.
Sa pakikipag-ugnayan ng SM sa Caloocan City Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE) ay nabuo ang job fair bilang paghahanap sa maagang Kapaskuhan na regalo sa mga taga-Caloocan.
Ayon kay SM Grand central manager Christian Umali, layunin nila na maging memorable ang bawat Pasko ng SM sa Caloocan.
Tiniyak naman ni DOLE Supervising labor head- Caloocan Rey Sanglay na maraming unemployed ang nagkaroon ng trabaho dahil sa pagsali ng 41 kumpanya.
Kabilang sa mga malalaking kumpanya ay ang Shipping Center Management Corp. Jac Liner, D’Jobsite General Services Inc., Capitol Steel Corp., Goldilocks Bakeshop Inc., Concentrix, Great Image Sevcies Corp., Abenson Ventures Inc., Ace Hardware Inc, Waltermart Supermarket, International Toy World at iba pa.
Sa pagbubukas ng Job Fair ng 10:00 ng umaga ay may tatlong aplikante agad ang na-hire on the spot na binigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Goldilocks, Lay Bare Waxing Philippines Inc. at Binondo Food Corp.
Bukas ang fair para sa mga job seekers na may background o wala, basta magdala lamang ng resume at mga requirements para sa mabilis na proseso ng papeles.
Bukod sa Job Fair, nag-offer din ang SM Grand Central ng NBI clearance, SSS membership, community tax certificate, police clearance at PhilHealth membership para sa mga pangunahing kailangan sa paghahanap ng trabaho. VICK TANES