NADAGDAGAN pa ng 41 ang mga kaso ng hinihinalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa DOH, dahil dito, pumalo na sa 597 ang kabuuang bilang ng person under investigation (PUI) dahil sa COVID-19.
Sa kabila ng panibagong mga kaso ng naturang sakit, 455 o 76% ng mga PUI ay nakalabas na ng ospital.
Habang 139 sa mga ito ang patuloy pa ring mino-monitor sa mga pagamutan kung saan karamihan ay nasa Metro Manila.
Sa ngayon ay wala pa rin anilang naitatalang local transmission ng COVID-19 sa Filipinas. DWIZ882
Comments are closed.