MAYNILA-INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na umabot sa 41 lalawigan sa bansa ang walang naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), sa nakalipas na dalawang linggo o mula Abril 18 hanggang Mayo 2.
Nabatid na kabilang sa mga naturang lalawigan ang Agusan del sur, Aklan, Apayao, Aurora, Basilan, Batanes, Biliran, Bohol, Bukidnon, Camarines Norte, Camiguin, Capiz, Compostela Valley, Cotabato, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao Oriental, Dinagat Islands, Eastern Samar, Guimaras, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, Maguindanao, Masbate, Mt Province, Negros Oriental, Northern Samar, Pangasinan, Quirino, Romblon, Saranggani, Siquijor, Sorsogon, South Cotabato, Southern Leyte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Tawi Tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, hanggang nitong Mayo 3, ay nasa 9,233 na ang COVID- 19 cases sa bansa.
Kabilang dito ang 1,214 na nakarekober sa sakit at 607 na binawian ng buhay.
Natukoy naman na ang 67% naman ng kabuuang kaso ng sakit ay mula sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa DOH, kabilang naman sa Top 3 barangay sa NCR na may pinakamaraming COVID-19 cases ay sa Addition Hills sa Mandaluyong na may 55 na kaso, Tandang Sora sa Quezon City na may 52 kaso, at San Antonio sa Parañaque na may 50 na kaso. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.