DUMATING sa bansa ang may 410 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Lebanon kasama ang apat na nasawi at ang 20 sugatan na nadamay sa nakaraang pagsabog.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola, alas-11:10 ng gabi nang umalis sa Beirut’s Rafic Hariri International Airport ang kanilang chartered flight na Qatar Airways flight QR 3150 kung saan sakay ang nasabing mga OFW na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong ala-1:25 ng hapon.
Nabatid na umabot na sa 1,918 OFWs ang napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa magkakasunod ng repatriation sanhi ng naganap na pagsabog sa Lebanon.
Tiniyak naman ng DFA na magtatakda pa sila ng isa pang chartered flight mula Beirut bilang pagtugon sa kahilingan ng distress OFWs na nais ng umuwi sa Pilipinas.
Ito ay para sa mga hindi na nakasakay sa chartered flight na itinakda ng DFA dahil sa full capacity nito. LIZA SORIANO
Comments are closed.