413 NA LANG ANG COVID-19 CASES SA PNP

MULA sa dating libo ang dami, bumaba na sa 413 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) makaraang 91 pang pulis ang tuluyang gumaling habang 26 lamang ang bagong infected.

Sa datos ng PNP-Health Service, ang kabuuang recoveries sa kanilang hanay ay nasa 48,104 na habang 48,644 ang kabuuang kaso nito simula noong Marso 2020.

Nananatili naman sa 127 ang bilang ng mga nasawi sa nasabing sakit kung kailan ang unang fatality ay noong Abril 2020 habang ang pinakahuli ay naiulat nitong Pebrero 1.

Samantala, 98,583 pulis ang nakatanggap na ng booster shots; 219,283 ang fully vaccinated at 4,757 pa ang naghihintay ng ikalawang dose ng COVID-19.

Nasa 850 na pulis ang hindi nababakunahan kasama na ang 418 na may medical condition at 432 na hesistant o may taliwas na paniniwala sa bakuna. EUNICE CELARIO