4,131 COVID-19 CASES NAITALA SA ISANG LINGGO

NAKAPAGTALA  ng 4,131 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Base ito sa naitalang datos simula Marso 7 hanggang 13.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Marso 14, 2022 ay tatlo ang bagong severe and critical cases habang 591 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Mas mababa ng 35 porsiyento ang datos kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Pebrero 28 hanggang Marso 6.

Nasa 590 naman ang daily average cases.

Nasa 17.2 porsiyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,648 sa 27,021 non-ICU beds ang gamit.
19.6 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 704 sa 3,598 ICU beds ang gamit.

Nasa 1,006 naman ang severe and critical admissions, o 14.3 porsiyento ng kabuuang CO­VID-19 admissions.