MAYNILA- SIYAM na pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) ang gumaling habang naitala ang pinakamalaking bilang ng panibagong kaso na 414 at 11 sa dinapuan ng naturang sakit ay bigong maisalba ng mga doktor.
Sa case bulletin number 23 ng Department of Health (DOH), kabuuang 73 nagkasakit ang matagumpay na nagamot sa iba’t ibang ospital.
Gayunman, sinabi ni Health Usec. at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, na 11 pang pasyente ng naturang sakit ang hindi kinaya ang virus kaya umabot na sa 163 ang namatay.
Nadagdagan naman ng 414 ang bagong kaso kaya sumampa na sa 3,660 ang kabuuang bilang ng kaso.
Samantala, abot-kamay na ang pagkakaroon ng maraming health facilities para na ang massive testing.
Sinabi ni Vergeire na kapag maayos na ang mga health facility ay masisimulan na ang massive testing at magagawa nang pigilan ang paglaganap ng sakit.
Aniya, bagaman inaasahang lolobo pa ang bilang ng kaso ng coronavirus, ang kagandahan nito ay agad made-detect ang may taglay nito at maaagapan para sa isolation at treatment. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.