HINDI baba sa 418 na road accidents ang naitala ng Department of Health (DOH) simula noong Disyembre 22 hanggang Disyembre 29.
38 porsiyento ang itinaas nito kumpara noong 2023.
Sa nakalipas lamang na 24-oras naitala ng ahensya ang 68 na bagong kaso ng road accident.
Ayon sa DOH, isa ang motorcycle accident sa nangungunang listahan na may pinakamaraming kaso ng aksidente nitong holiday season.
Kaugnay nito hindi naman bababa sa 356 na indibidwal ang sangkot sa mga road accident kagaya ng hindi pagsusuot ng mga helmet at seatbelt.
Karamihan sa mga sanhi ng aksidenteng ay bunga ng impluwensya ng alak.
Muling nagpaalala ang ahensya sa mga motorista na laging sundin ang safety guidelines kapag bumibiyahe.
Kabilang dito ang pagsusuot ng helmet kung gagamit ng mga motorsiklo, paggamit ng seatbelt at iwasang mag maneho kapag nakakaramdam ng antok o nasa ilalim ng impluwensya ng alak.
Sundin din ang speed limits at road signs para sa ligtas na bbiyahe.
ALIH PEREZ