NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng record high na 41,205 pasyente na gumaling sa COVID-19 infections.
Batay sa DOH COVID-19 case bulletin no.386, na inilabas dakong 4:00PM ng Abril 4, nakapagtala naman ng may 11,028 bagong kaso ng COVID-19 dahilan para umabot na sa 795,051 ang kabuuang bilang na dinapuan ng virus.
Nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng mga nasawi na umabot na sa 13,425.
Sa kasalukuyan, may 135,626 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, at nasa 646,100 naman ang bilang ng mga nakarekober sa sakit.
May 20 kaso ng duplikado ang tinanggal sa kabuuang bilang, walo sa mga ito ang nakarekober na.
Habang dalawa namang kaso ang unang sinabi na nakarekober ngunit nakumpirmang binawian na pala ito ng buhay, matapos ang pinal na balidasyon.
Limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang data sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) nitong Abril 3,2021. Ana Rosario Hernandez
404878 461430Hey there! Nice post! Please inform us when we will see a follow up! 520562