UMAABOT na sa 41,159 na fare matrix o taripa ang naipamigay sa mga drayber-opereytor ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa central office at regional offices ng ahensiya.
Tiniyak ni LTFRB Chairman Martin Delgra, tuloy-tuloy na ang pag-iisyu ng fare matrix sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Regions 3 at 4.
Base sa datos ng LTFRB, ang central office ay nakapag-isyu na ng 11,277 fare matrix sa mga bus habang nasa 2,832 naman ang sa jeepney.
Sa LTFRB-NCR, nakapag-isyu na ito ng 11,414 fare matrix sa PUJ 8,632 naman sa mga PUJ sa Region 3 at 7,004 fare matrix ang naisyu sa mga PUJ sa Region 4.
Muling nagpaalala ang LTFRB sa mga drayber at opereytor na bawal maningil ng P10.00 pamasahe kung walang bagong fare matrix na naka-display sa kanilang pampasaherong sasakyan. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.