42 FOREIGN POGO WORKERS SA BATAAN IDE-DEPORT

IPINAG-UTOS ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang deportation ng 42 dayuhan na naaresto sa isang pagsalakay sa umano’y illegal Offshore Gaming Operation (POGO) firm sa Bagac, Bataan.

Sa isang memorandum na may petsang November 12, inatasan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na siya ring chairperson ng PAOCC, ang Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI) na pabilisin ang deportation process ng mga dayuhan na pansamantalang nakakulong sa isang detention facility sa Pasay City.

“On October 31, 2024, the PAOCC conducted a successful law enforcement operation against Central One, an illegal Offshore Gaming Operation masquerading as a business process outsource operating in Centro Park, Barangay Parang, Bagac Bataan. This resulted in the arrest of 42 foreign nationals that will be subjected to the deportation process,” sabi ni Bersamin.

“Considering these, the DOJ and the Bl are hereby directed to facilitate the summary deportation of the foreign nationals apprehended and subsequently transferred to the temporary detention facility in NASDAKE Building located at #50 Williams St., cor. FB Harrison St., Pasay City, and blacklist said individuals to bar their re-entry into the Philippines subject to applicable laws, rules, and regulations,” dagdag pa niya.

Natuklasan ng mga awtoridad noong nakaraang linggo ang sinasabi nilang illegal gambling operation nang salakayin nila ang isang business process outsourcing firm sa Bataan dahil sa umano’y labor trafficking. Mahigit 40 dayuhan ang inaresto sa operasyon.

Kabilang sa mga inarestong POGO workers ay isang Indonesian na pinaghahanap sa kanyang bansa dahil sa umano’y camming activities, money laundering, at online gambling.