ILOCOS SUR – UMAABOT sa 42 militante na miyembro ng underground organizations ang kumalas at inabandona ang teroristang grupo na New Peoples Army underground movement sa bayan ng Narvacan ng lalawigang ito.
Ayon kay Lt. Col. Rodrigo A. Mariñas Jr., commander ng Philippine Army’s 81st Infantry Battalion na karamihan sa mga kumalas ay mula sa hanay ng magsasaka at kababaihan na kinabibilangan ng 2 sa Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL); 20 ay mula sa Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM); 15 sa Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) at 5 sa Kabataang Makabayan(KM).
Sa pangunguna ni Narvacan Councilor Saldy Clarin,chairman ng Committee on Peace and Order ay nagsagawa ng “Oath of Allegiance and Withdrawal of Support from the CPP-NPA” ang 42 underground activists na ginanap sa barangay hall sa Barangay Cadcad sa nasabing bayan.
Malugod naman tinanggap ni Phil. Army 7th Infrantry Division commander Major General Alfredo Rosario Jr. ang nasabing mga kumalas at inabandona ang teroristang CPP-NPA. MHAR BASCO
Comments are closed.