NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.
Sa pinakahuling talaan, may 42 kumpirmadong kaso sa Asia , Pacific at Middle East.
Gayunpaman,mayroong 12 bagong recoveries ang naitala na umabot na sa kabuuang 5,802 habang 13 ang namatay sa Middle East.
Samantala, sa DOH-IHR ,lumobo sa 1,833 ang nagpositibo sa COVID-19 na kung saan may 28 na beripikadong kaso sa Middle East at Europe.
Sa kabuuan ,may 9,816 ang bilang ng mga Pinoy na nasa abroad ang tinamaan ng COVID-19. LIZA SORIANO
Comments are closed.