(42 pa bantay-sarado ng militar) 7 DAYUHAN HUMALO SA MGA LOKAL NA TERORISTA

terorista

CAMP AGUINALDO – HUMALO na ang umano’y mga dayuhang terorista sa mga lokal habang 42 sa kanila ay patuloy sa surveillance ng militar.

Ito ang kinumpirma  ni AFP Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana sa pana­yam ng Defense Press Corps.

Ayon kay Sobejana, may report na sila na pito ang ikinakanlong ng mga local terrorist group habang may 42 pa ang watchlisted at mino-monitor ng militar.

Nabatid na nakakalat ang mga sinasabing fo­reign terrorist sa  baha­ging saklwa ng AOR ng WESMINCOM kabilang ang Central Mindanao, mga lalawigan ng Sulu Maguindanao, at Basilan.

Sinasabing nagkakanlong ng mga banyagang terorista para sanayain ang mga kasapi ng local terrorist gaya ng Abu Sayyaf (ASG), Daulaw Islamiyah terror group, at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter  na maging mga bomber ang kanilang miyembro.

“Kasama na ‘yung naggo-groom sila ng mga magiging suicide bomber as manifested nitong nangyari lately, (Sulu twin suicide bombing)  so ‘yun ang k’wan, tapos training on other terroristic actions,” ani Sobejana.

Pansamantalang hindi muna inilantad ni Sobejana ang nationalities ng mga foreign terrorist na umano’y ISIS affiliated dahil kailangan muna umano itong i-validate na mabuti. VERLIN RUIZ

Comments are closed.