42 PARTYLIST, SINIBAK NG COMELEC

PORMAL ng kinansela at tinanggal ng Commission on Elections (COMELEC) sa opisyal na listahan ng mga partylist sa bansa ang nasa 42 grupo at mga kowalisyon.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa desisyon ng en banc, pormal na nakansela ang rehistro ng nasa 11 organisasyon dahil sa pagka­bigong lumahok sa nagdaang dalawang eleksyon.

Bigo namang makakuha ng dalawang porsiyento ng boto sa Partylist system at nabigong makakuha ng puwesto sa nakalipas na dalawang halalan ang 31 grupo o organisasyon kaya sila ina­lis sa listahan.

Kabilang sa mga grupong ito ang 1-CARE o 1st Consumers Alliance for Rural Energy Inc, Butil Farmers Party, PLM o Partido Lakas ng Masa, NACTODAP o National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Phils, PDDS o Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan at PRAI o Philippine National Police Retirees Inc.

Samantala, nagpapatuloy naman ang pagtanggap ng Comelec sa mga Certificate of Candidacy o COC para sa mga tatakbo sa mga nailathalang puwesto sa bansa, kabilang ang para sa Partylist system.

PAUL ROLDAN