LIGTAS ang 42 pasahero na sakay ng Cebu Pacific Flight DG 6112 matapos na sumadsad ito runway excursion ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon.
Agad na nirespondehan ng NAIA rescue and medical unit ng NIA ang 42 pasahero ng Naga-Manila flight ng Cebu pacific at ideneklarang ligtas ang mga ito matapos ang normal deplaning base sa paunang statement na inilbas ng Cebu Pacific management.
Ayon sa Cebu Pacific Air, isa sa kanilang passenger plane na nagmula Naga City nagkaroon ng “ slight runway excursion,” paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Agad din nirespondehan ng mga Medical personnel Cebu Pacific Flight DG 6112 (Naga-Manila flight) bandang alas-11:45 NG umaga sa NAIA Terminal 3, ayon pa sa dvisory.
“All 42 passengers and four crew deplaned normally and are safe with no reported injuries. The passengers are being looked after and cared for,” dagdag pa ng Cebu Pacific.
Subalit, ayon sa NAIA management nagkaroon ng bahagyang epekto ang insidente sa ilang plights na paalis at papaparating. VERLIN RUIZ