42,064 BRGY OFFICIALS SA PBBM ADMIN SASAILALIM SA CAPACITY-BUILDING TRAINING

SASAILALIM  sa capacity-building training ang mga opisyal ng 42,046 na barangay sa bansa sa papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., para matiyak ang mahusay na paggamit ng karagdagang pondo na ibibigay ng Mandanas-Garcia ruling.

Sinabi ni Atty. Vic D. Rodriguez, incoming Executive Secretary, na ang pamamahala sa barangay ay higit pang uunlad sa karagdagang pondo na ibibigay sa pagpapatupad ng ruling.

“When I was still a barangay kagawad, seryoso na kami noon, our budget was only four-million…And those were the difficult times that I think now, wala nang problema doon sa mga barangays na nagta-tap ng ilaw sa poste ng mga Meralco dahil hindi mabayaran ang kanilang monthly kuryente,” pahayag ni Rodriguez.

Naalala niya ang kanyang karanasan noong nagsimula siya sa serbisyo publiko bilang isang batang konsehal ng barangay kung saan inamin niyang mahirap makuha ang pondo para sa mga pangunahing serbisyo.

“And I think ngayon sobra-sobra na ang inyong pondo, sobra-sobra na pati ‘yung pagdi- deliver ng basic services. And it is indeed true – nag-evolve na rin ang mga barangays…Napakaganda ng evolution ng barangay governance…Magkakaroon pa kayo ng dagdag na pondo dahil sa Mandanas-Garcia ruling,” anito.

Sinabi ng executive secretary-designate na ang mga barangay official sa Quezon City ay sumailalim na sa serye ng pagsasanay, ngunit hindi lahat ay may kakayahang pinansiyal.