PUMALO na sa 42,097 ang pulis na nakarekober mula sa COVID-19 makaraang madagdag ang dalawang iba kahapon, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi naman ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na wala namang bagong kaso ng sakit.
Hindi na rin nadagdagan ang 125 na namatay na pulis mula Nobyembre 10.
Ang kabuuang naging kaso ng COVID-19 sa PNP ay 42,245.
Samantala, 214, 308 pulis ang fully vaccinated laban sa coronavirus disease; 9,781 naman ang may unang dose ng bakuna habang 1,432 na lamang ang hindi nababakunahan dahil sa medical condition at paniniwala.
Patuloy ang panghihikayat ni Carlos sa mga takot magpabakuna na ito ay ligtas at para sa kanilang proteksyon.
Habang pinayuhan ang kanyang mga tauhan na kung hindi mahalaga ang pupuntahan ay manahimik sa bahay upang makaiwas sa sakit.
“May Covid pa, at may pandemya pa kaya kahit bakunado tayo, kailangan pa ring mag-ingat, parang kriminal lang iyan mabilis makapuslit, kaya hindi dapat mapuslitan,” ayon sa PNP. EUNICE CELARIO