TAGUIG CITY – SUMAMPA na sa 422,238 katao ang nasita ng pulisya sa Metro Manila bun-sod ng paglabag sa mga local ordinance.
Batay ito sa datos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.
Ayon sa datos ng NCRPO mula Hunyo 13 hanggang noong Oktubre 26, umabot sa 126,266 ang mga naaresto dahil sa pani-nigarilyo sa non-smoking areas; 28,292 ang nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng damit pang-itaas; 27,197 ang menor de edad na lumabag sa curfew hours habang 19,320 ang nahuli dahil sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.
Ang Quezon City Police District pa rin ang top performer kung saan nahuli ang 243,817 katao na 57.74 porsiyento ng ka-buuang bilang sa Metro Manila.
Sinundan ito ng Eastern Police District na may 89,929 violators, Manila Police District na may 38,608, Southern Police District na may 28,447, habang pinakakaunti ang nahuling lumabag sa Northern Police District sa 21,438.
Nilinaw naman ni Eleazar na ang mga lumalabag ay pinakakawalan naman agad matapos magmulta o ang iba’y ikinokonsidera ang kalagayan.
Ang mas istriktong implementasyon ng local ordinances ay bahagi ng pagpapanatili ng NCRPO ng peace and order sa Metro Manila. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.