UMAABOT sa 423 international criminals ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI), resulta sa patuloy na kampanya ng kagawaran laban sa mga illegal alien na nagtatago sa bansa nitong nakaraang taon 2019.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, lalo nilang paiigtingin sa 2020 ang pagtugis sa mga dayuhang kriminal na nagkukubli sa iba’t ibang lugar sa Filipinas at sinisiguro na hindi na muling makababalik sa bansa dagdag pa ni Morente .
Ang mga nadakip ng Fugitive Search Unit (FSU) ay sangkot sa iba’t ibang kaso katulad ng panggagahasa, child molestation, illegal drugs, fraud, cyber crimes, at large scale economic crimes.
Sinabi ni FSU chief Bobby Raquepo na 324 sa mga ito ang Chinese nationals at ang 277 ay nahuli ng kanyang mga tauhan sa Ortigas Center sa Pasig City noong buwan ng Setyembre.
Ang 277 Chinese nationals ay sinasabing sangkot sa large scale investment scam na umaabot sa 14 milyon US dollars.
Nitong nakalipas na buwan ay 36 Japanese nationals na wanted sa kanilang bansa ang naaresto ng FSU dahil sa telecom fraud at pagnanakaw ng tinatayang aabot sa 2 bilyon yen katumbas ng 18 milyon US dollar.
Naaresto rin ng mga ito ang 27 Koreans, 20 Americans, isang Japanese, Taiwanese at Briton at iba pang nationalities. FROI MORALLOS
Comments are closed.