NASA $429 million na net inflows ng foreign direct investments (FDI) ang naitala sa bansa noong Mayo, mas mababa ng 25.4 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa kabila nito, ang total cumulative FDI level ay mas mataas pa rin ng 37.8 percent sa $3.5 billion para sa January-May period, kumpara sa $2.5 billion sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Noong Abril ay nakapagtala ang bansa ng $679 million na FDI net inflows.
Paliwanag ng central bank, ang pagbaba ng FDI noong Mayo 2021 ay dahil sa pagkabahala ng mga investor sa dumaraming kaso ng mga bagong variant ng COVID-19 sa buong mundo.
Para sa buong 2020, ang FDI net inflows ay pumalo sa $6.5 billion, mas mababa ng 24.6 percent kumpara sa $8.7 billion noong 2019.
Kumpiyansa naman si BSP Gov. Benjamin Diokno na makababawi ang FDIs ngayong taon.
176328 577321Hey there! Great stuff, do keep us posted when you lastly post something like that! 984446
422988 861659I adore gathering valuable info, this post has got me even far more information! . 750607
165136 93658This web site is generally a walk-through its the data you wished concerning this and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will surely discover it. 659276