NAKAPAGTUROK na ng 42,000 doses ng booster shot laban sa COVID-19 ang Pilipinas.
Ginawa ni NTF against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa ang pahayag matapos na dumating ang mahigit 680,000 doses ng bakunang Moderna na binili ng gobyerno.
Aniya, posible maabot bago matapos ang taon ang target na siyam na milyong doses ng booster shot na maibabakuna sa mga health worker kabilang na rin ang mga senior citizens.
Matatandaang, pinahintulutan ng gobyerno ang pamamahagi ng booster shots sa naturang indibidwal ngayong buwan.