42K OVERSEAS PINOY NAPAUWI

DFA

UMAABOT  na sa mahigit 42,000 overseas filipinos ang natulungan ng pamahalaan na makauwi sa bansa

Sa katatapos na buwan ng Agosto, tinaya sa 42,583  ang kabuuang bilang ng  mga Pinoy sa abroad ang  nai-repatriate ng gobyerno sa kabila ng pagpapatupad ng pamahalaan MECQ noong nakaraang buwan

Mayorya sa OFs  o (76.1%)  ngayong Agosto ang na -repatriate  mula Middle East  habang ang iba ay mula Asia at Pacific, America, Europe at Africa.

Kabilang sa mga returnees ay ang mga sumusunod: 32,389 o 76.1%  mula Middle East; 4,423 o 10.4%  mula sa Asia at Pacific;

4,109 o 9.6%  mula sa America

1,571 o 3.7%  mula Europe; at

91 o 0.2% mula Africa.

Natulungan din ng DFA na  makauwi sa bansa lulan ng  9 na chartered flight  ang mga distressed Filipino  mula sa Malaysia, Qatar, UAE, Saudi Arabia, at Lebanon.

Napauwi  rin sa  bansa ang mga stranded OFW  mula Uzbekistan sa kabila ng  kakulungan ng embassy at consulate general sa nasabing bansa.

Patuloy ang ginagawang repatriation effort ng pamahalaan  upang matulungang makauwi sa bansa ang mga kababayan natin na apektado ng pandemic. LIZA SORIANO

One thought on “42K OVERSEAS PINOY NAPAUWI”

Leave a Reply

Your email address will not be published.