PAMPANGA-ARESTADO ang 43 dayuhang intsik na nagpapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bahagi ng Fil-Am Freindship Highway sakop ng Angeles City sa lalawigang ito.
Mismong si Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos ang naglagay ng tarpualin na isara ang naturang establisimiyento.
Katuwang ng kalihim ang mga operatiba ng PNP- Anti Kidnapping Group at DILG Region 3 at si PNP Regional Director 3 BGen.Cesar Pasiwen at iba pang Law Enforcement Units.
Agad nilagyan ng sticker ang harap na gusali ng Lucky South 99 dahil sa ilegal na operasyon nito sa lungsod. THONY ARCENAL