PASAY CITY-INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na karagdagang 43 overseas Fililpino workers (OFWs) ang kumpirmadong dinapuan ng COVID-19 sa ibang bansa.
Sa kabuuan, umabot na sa 8,915 bilang ng mga Pinoy sa abroad ang tinamaan ng naturang sakit mula sa 64 na mga bansa at rehiyon.
Pumalo na rin sa 2,986 ng mga pasyente ang nananatiling ginagamot sa mga hospital.
Nasa 5,311 overseas Fililpino naman na tinamaan ng COVID-19 ang gumaling sa naturang sakit.
Habang nasa 618 kabuuang bilang ang binawian ng buhay sa nasabing pandemya. LIZA SORIANO
Comments are closed.