NAGSIMULA nang bumiyahe kahapon ang 3,513 Public Utility vehicles nang buksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 43 pre-pandemic routes.
Sa inilabas na Memorandum Circular No. 2022-073, ang mga binuksang ruta para sa mga Traditional Public Utility Jeepney (PUJ), Modern PUJ, at Utility Vehicle Express (UVE) ay saklaw ng Metro Manila Urban Transport Integration Study Update and Capacity Program (MUCEP) Area.
At mula sa 43 rutang binuksan, 20 dito ay PUB routes kung saan nasa 1,675 PUB units ang pinapayagang bumiyahe.
Ang ilan sa mga pre-pandemic routes na binuksan ng LTFRB, ayon sa MC 2022-073 ay ang mga sumusunod:
TPUJ
T286 Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.
T250 SSS Village – Stop & Shop via Aurora Blvd.
T259 Balara – Philcoa via Tandang Sora
T280 Commonwealth Market – Southville Resettlement
T281 Pabahay ni Erap, Rodriguez – Commonwealth Market
T282 Rodriguez Relocation – Commonwealth Market
T202 Commonwealth Market – Q Plaza via Marikina City
T2116 Brgy. Bagong Silang – Ever Gotesco, Commonwealth
T2127 San Rafael, Rodriguez – Quezon City Hall
T2128 Rodriguez – Philcoa via Commonwealth
T2112 Brgy. Mali, San Mateo – Philcoa
MPUJ
213 Rodriguez (Sub-urban) – North EDSA
218 Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.
219 SSS Village – Stop & Shop via Aurora Blvd.
220 Pabahay ni Erap, Rodriguez – Commonwealth Market
222 Rodriguez Relocation – Commonwealth Market
TUVE
N72 SSS Village – Cubao
N15 Karuhatan – North EDSA
N75 Victoria Homes, Muntinlupa – Alabang, Muntinlupa
N24 Cubao – Buendia
C52 Rodriguez (Montalban) – Cubao
N44 San Roque, Marikina – Commonwealth Market
MUVE
M02 SSS Village – Cubao
Ang pagbubukas ng mga naturang ruta ay pagtugon ng LTFRB sa pangangailangan ng pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya at pangkabuhayan ng PUV drivers.
Gayunpaman, pinapaalala pa rin ng ahensiya sa mga PUV driver na sumunod sa mga alituntunin at polisiya ng LTFRB na nakasaad sa kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).
Ang sinumang mahuling lumalabag sa mga ito ay papatawan ng karampatang parusa base sa Joint Administrative Order 2014-01. MARIA THERESA BRIONES