UMAKYAT na sa 43 ang bilang ng firecracker-related injuries matapos na madagdagan ito ng 18 iba pa hanggang nitong Miyerkules, Disyembre 25.
Dahil dito, umakyat na sa 43 ang kabuuang bilang nito sa buong bansa mula noong Disyembre 22.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang 18 kaso na naitala nitong Pasko ay mas mababa kumpara noong nakaraang taon sa 28 na kaso.
Minomonitor na ang firecracker-related injuries na ito mula sa 62 sentinel hospitals sa buong bansa.
Sa 43 pasyente, 34 ang edad 19 pababa, at siyam ang edad 20 pataas.
Nasa 39 sa firecracker-related injury victims ay lalaki habang apat ang babae.
Sinabi ng DOH na 86% ng mga kaso ay dahil sa illegal na paputok.
Nauna nang nagpaalala ang Philippine National Police sa publiko na iwasang gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng watusi, piccolo, at 20 iba pa.
EVELYN GARCIA