43,033 NAGHAIN NG COC PAG-AARALAN NG COMELEC

PAG-AARALAN ng Commission on Elections ang inihaing mga kandidatura ng 43,033 kandidato sa nasyonal at lokal sa panahon ng filing ng COC mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na 33,652 rito ay pawang mga lalaki, na katumbas ng 78.20%.

Nasa 9,381 naman ang mga babae o katumbas  ng 21%.

Maaring mabawasan pa ang naturang listahan para sa deklarasyon at tuluyang pagkakatanggal ng mga nuisance candidate.

Target ng Comelec na mailabas ang final list pagsapit ng buwan Dis­yembre.

Samantala, ilang party­list groups naman  ang nabigong magsumite ng kanilang certificate of nomination – certificate of acceptance of nomination (CON-CANs).

Ito ay sa kabila ng kanilang pagpapakita ng interest na makibahagi sa 2025 Midterm Elections.

Ayon  sa Comelec, umabot sa 160 partylist groups ang naghain ng kanilang manifestation of intent para makibahagi sa halalan, pero lima sa kanila ang bigong magsumite ng kanilang CON-CAN.

RUBEN FUENTES