NASA 432 trak na basura ang nahakot ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa apat na estero na siyang dahilan ng pagbaha sa Metro Manila.
Bilang bahagi ng programa ng MMDA para sa paglilinis ng mga estero, kahapon ay nagsagawa ng inspeksiyon si Chairman Danilo Lim sa Estero De Magdalena sa Tondo, Manila.
Ayon kay Lim, nagsagawa sila ng declogging operation sa Estero De Magdalena, Estero De Pajo, Tunasan Creek at Hagonoy River.
Nabatid sa MMDA Flood Control and Sewerage Management, nasa 432 dump trucks na may katumbas na 2,292 cubic meters ang nahakot na basura mula sa nabanggit na mga estero mula noong Mayo 31 hanggang Hunyo 7 ng taong kasalukuyan.
Habang nagsasagawa ng inspeksiyon sa Estero De Magdalena, nadismaya si Lim dahil sa dami ng basurang nahakot dito.
Sa kabila ng kanilang kampanya at paulit-ulit na paalala sa publiko na huwag magtapon ng mga basura sa estero at daluyan ng tubig, na siyang dahilan ng pagbaha sa malaking bahagi ng Kalakhang Maynila sa tuwing sumasapit ang tag-ulan. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.