43,200 PULIS GUMALING SA COVID-19

PUMALO na sa 43,200 pulis ang gumaling mula sa COVID-19 makaraang madagdag ang 370 na pinauwi mula sa quarantine facilities kahapon.

Ito ay batay sa datos ng Philippine National Police –Health Service, (PNP-HS), habang mayroon namang bagong dinapuan ng nasabing sakit na 339.

Dahil sa dagdag-bawas na numero nasa 46,777 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa police force habang ang aktibong kaso ay 3,451 na.

Tatlong araw na ring zero deaths at nananatili sa 126 ang fatalities sa PNP.

Samantala, 217,206 na pulis na ang fully vaccinated, 6,956 pa ang naghihintay ng ikalawang dose at 1,075 pa ang hindi nababakunahan dahil ang 495 sa kanila ay mayroong medical condition at ang 580 ay mayroong negatibong paniniwala sa bakuna.

Ang mga tumanggap ng booster shot ay 66,902 na. EUNICE CELARIO