4,328 BAGONG COVID INFECTION NAITALA

AABOT sa 4, 328 bagong COVID-19 infection ang naitala ng Department of Health (DOH) kahapon, dahilan upang umabot na sa 3,799,334 ang kabuuang kaso sa bansa.

Umakyat din sa 37,344 ang active cases mula sa 37,189 nitong nakaraang Biyernes.

Nakapagtala naman ang National Capital Region ng15,140 new cases sa nakaraang dalawang linggo, na sinundan ng CALABARZON na mayroong 10,005, Central Luzon – 4,960, Western Visayas – 2,709, at Central Visayas na aabot sa 2,117.

Nasa 4,156 individuals naman ang bilang ng mga nakarekober, na siyang dahilan kaya’t pumalo na sa 3,701,201 ang mga gumaling habang nasa 15 naman ang new fatalities.