NAITALA ang 433 bagong kaso ng COVID-19 araw ng Linggo na nagbunsod sa 2,838,640 kabuuang bilang ng nakahahawang sakit.
Iniulat ng Department of Health na nasa 283 new recoveries, kaya pumalo na sa 2,777,918 ang total recoveries.
Nasa 13 katao ang bagong nasawi sa COVID-19.
Samantala, nagbanta ang health expert na maaring lumobo ang mga kaso ng COVID-19 sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Naitala sa buong mundo na mahigit sa 279.5 milyong katao ang naitala sa COVID-19 habang mahigit sa 5.39 milyon ang nasawi mula nang unang pumutok ang impeksiyon sa Wuhan, China Disyembre 2019.