433rd FOUNDING ANNIVERSARY NG BULACAN ISINELEBRA

MALOLOS CITY-BINIGYANG pugay at nag-alay ng bulaklak sa bantayaog ni Gat. Marcelo H del Pilar si Bulacan Governor Daniel R. Fernando bilang pagdiriwang ng Ika-443 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lalawigan.

Binanggit nito sa kanyang mensahe kasabay ng maulan na panahon ito’y araw ng bawat isang Bulakenyo.

“Sa gitna ng paghihirap at pighati sa panahon ng pandemya, tayong mga Bulakenyo ay mananatiling matatag at puno ng pag-asa. Ang pandemyang ito ay nagluwal ng mga makabagong bayaning handang iligtas ang buhay ng kanyang mga kalalawigan at nanatiling tapat sa sinumpaang tungkulin sa kabila ng panganib sa kanilang kaligtasan”.

Hinimok din ng gobernador ang mga Bulakenyo na isaisip ang mga sakripisyo ng kanilang mga ninuno at pahalagahan ang mayamang pamana sa lalawigan na sumasagisag sa katatagan ng mga Bulakenyo sa kasalukuyan.

“Alalahanin natin ang mga sakripisyo ng ating mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay taglay ang paniniwala na ang ating lalawigan ay itinakda hindi sa kabiguan at pagkalupig, kundi sa karangalan at kadakilaan, Pagyamanin natin ang pamana ng Bulacan na naging tahanan ng ating lahi sa loob ng apat na daan at apatnapu’t tatlong taon na ang nakalilipas.”

Kasabay nito opisyal din na inilunsad ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang pangatlong librong pamana na “SINEliksik Bulacan: Bayani ng Kanyang Panahon, Inspirasyon Natin

Ngayon!” na nagtatampok sa mga bayaning Bulakenyo ng digmaang Pilipino-Kastila at Pilipino-Amerikano; at ang mga frontliner bilang mga bayani sa panahon ngayon habang patuloy na nakikipaglaban ang lalawigan sa pandemyang COVID-19. Sa ilalim ng New Provincial Administrative Code, kinikilala ang Agosto 15, 1578 bilang araw ng pagkakatatag ng lalawigan at pagdiriwang ng Bulacan Foundation Day tuwing ika-15 ng Agosto. THONY ARCENAL

8 thoughts on “433rd FOUNDING ANNIVERSARY NG BULACAN ISINELEBRA”

  1. 766324 402492Hello DropshipDragon provides dropping for quality, affordable products direct from China to your customers. Perfect for eBay sellers and site owners alike! 977731

  2. 768735 917456Following examine a couple of with the weblog posts on your site now, and I actually like your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark site list and shall be checking again soon. Pls try my website online as properly and let me know what you think. 254464

Comments are closed.