436 KATAO DAGDAG KASO SA COVID-19 SA E.VISAYAS

LALO pang nabahala ang health authorities sa Eastern Visayas makaraang maitala ang dagdag na 436 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development noong Setyembre 17,sumampa na sa 45,388 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,322 ang active cases at 42,581 naman ang gumaling habang nasa 485 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ang 436 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod ng Leyte, Samar, Southern Leyte, Ormoc City, Tacloban City, Biliran, Northern Samar at Eastern Samar.

Pawang nasa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Leyte, Southern Leyte at Biliran.

Comments are closed.