NAGTALA ang ‘hot money’ ng net inflows noong Oktubre, ang unang pagkakataon magmula noong Pebrero o bago ang strict lockdowns dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos na ipinalabas ng BSP, ang foreign portfolio investments noong nakaraang buwan ay may net inflow na $439.46 mil-lion matapos ang pitong sunod na buwan ng net outflows simula Marso ng kasalukuyang taon.
Nasa 78.8 percent ng total investments ay napunta sa mga kompanya na nakatala sastock exchange, habang ang nalalabing 21.2 percent ay sa investments sa government securities.
Ayon sa central bank, ang UK, US, Singapore, Luxembourg at Hong Kong ang top five investor coun-tries para sa buwan, na may combined share sa total na 80.9 percent.
Comments are closed.