44 AGRI GRADS BINIGYAN NG LUPANG SAKAHAN

BINIGYAN na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng titulo ng lupang sakahan ang 44 na nagtapos ng agrikultura mula sa Palawan at Cagayan Province.

Pinangunahan ni Agrarian Reform Secretart John Castriciones kasama si Usec. Emily Padilla ang nagbigay sa Certificate of Land Ownership sa mga batang graduate ng Bachelor of Science in Agriculture.

May 30 mga estudyante mula sa Cagayan Province at 14 na graduate naman sa Palawan ang unang batch na tumanggap ng titulo.

Ang pagbibigay ng lupang sakahan sa mga Agriculture graduate ay base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong pirmahan ang Executive Order No. 75 series of 2019.

Ayon kay Castriciones, maraming nagtapos ng kursong agrikultura ngunit wala namang sariling lupang sinasaka kung kayat mismong ang Pangulo na ang nagsabing bigyan ang mga ito ng lupa.

Hinamon din niya ang mga bagong graduates na gamitin ang kanilang kaalaman para magtanim ng mga gulay, mag-alaga ng mga baboy at manok na isusuplay sa kanilang komunidad.

Isa sa beneficiaries ang naoaiyak matapos tanggapin ang titulo dahil panghambuhay na umano ang kanyang kabuhayan.

Nangako siyang pagyayamanin ang naturang lupa upang maipamana niya rin ito sa kanyang pamilya at makadagdag sa suplay ng pagkain sa bansa. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.