ISABELA-INATASAN ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) Isabela na isailalim sa quarantine ang 44 kawani nito matapos na magpositibo sa COVID-19 nang mahawa sa isang principal sa bayan ng Luna ng nabangit na probinsiya.
Ayon kay Dr. Marilyn Ayala, OIC Health Officer ng SDO Isabela, ang nagpositibong principal ay mayroong travel history sa isang mall sa Cauayan City na hinihinalang doon nakuha ang virus.
Nabatid pa, nang umuwi ang nasabing principal ay nagsimula na itong makaramdam ng paghihina ng katawan kaya’t iminungkahing magpasuri sa doktor at lumabas na resulta ng kanyang swab test ay positibo ito COVID- 19.
Dahil dito, agad na nagsagawa ng contact tracing na nagresulta sa pagsasailalim sa quarantine ng 44 na empleyado ng DepEd Isabela na kinabibilangan ng 22 guro, 10 school head, 3 Administrative Assistant, 1 Supervisor, 4 volunteer teachers, 2 Local School Board, 1 Dental Aide at 1 guwardiya ng paaralan ng naturang punong guro. IRENE GONZALES
Comments are closed.