44 SOLDIERS SA MARAWI SIEGE NA-PROMOTE

MARAWI SIEGE

CAMP AGUINALDO – TUMANGGAP ng promosyon ang 44 na sundalong wounded in action sa engkuwentro sa Marawi Siege noong Mayo 2017.

Pinangunahan ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Macairog Alberto ang “donning of ranks ceremony” na isi­nagawa sa AFP General hospital sa  Quezon City kahapon.

Ayon kay PA Spokesperson Col. Ramon Zagala, isinugal ng mga sundalo ang kanilang mga buhay para mapayapang makapamuhay ang mga mamayan.

Ang promosyon aniya ay bilang pagkilala sa kanilang kagi­tingan at paraan ng pasasalamat sa kanilang tapat na pagseserbisyo sa bayan.

Bukod sa promosyon, tumanggap din ang mga sundalo ng tulong pinansiyal mula sa Presidential Management Staff at sa AFP para sa kanilang mga pamilya. REA SARMIENTO

Comments are closed.