LIMANG ruta ang bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa 440 provincial public utility bus (PUB) na bibiyahe sa ilang probinsya simula ngayong araw, Disyembre 24.
Kabilang sa mga ruta na magbubukas ang Baguio City pa-Mariveles, Bataan; Baguio City pa- Olongapo, Zambales; NLEX pa-Baguio City; NLEX pa-Laoag City, Ilocos Norte at NLEX patungong Pagudpud, Ilocos Norte.
Ayon sa LTFRB, maaaring bumiyahe ang mga roadworthy bus na may valid at existing certificate of public convenience o ap-plication for extension of validity at kinakailangang nakarehistro sa personal passenger insurance policy ang bawat unit sa mga ru-tang nakapaloob sa MC.
Bilang kapalit ng special permit, may QR code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.
Ang QR code ay maaaring i-download mula sa official website ng LTFRB.
Bukod sa QR code, kailangan ding sumunod ang mga pick-up at drop-off terminal ng naturang mga bus sa health at safety pro-tocols bago payagang mag-operate ng local government units.
Muling ipinaalala ng LTFRB na walang taas-pasaheng ipatutupad sa naturang mga provincial PUB maliban na lamang kung ipag-uutos ito ng ahensiya.
Kinakailangan ding sumunod ang mga PUV sa mga alituntunin ng IATF at LGUs kaugnay ng health pro-tocols bago sila makabiyahe. DWIZ 882
Comments are closed.