SAMANTALA, iniulat ni Vergeire na sa 445 na Pinoy repatriates mula sa cruise ship na MV Diamond Princess, na isinailalim sa 14-day quarantine sa New Clark City (NCC) sa Capas, Tarlac, ay 442 na ang pinayagan na nilang makauwi sa kani-kanilang lalawigan, matapos ang isang send-off ceremony nitong Miyerkoles.
Ayon kay Vergeire, kabilang sa mga napauwi ay 437 na crew members at limang pasahero.
Patuloy pa naman aniyang naka-confine sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital (JBLMRH) ang dalawa sa mga repatriates, o ang Patient #15 at #26, na nagpositibo sa COVID-19.
Ang isa pa naman ay naiwan muna sa NCC habang hinihintay pa ang resulta ng laboratory test na isinagawa sa kanya. ANA ROSARIO HERNANDEZ
PALASYO NAKATUTOK SA COVID-19
MAHIGPIT na tinututukan ng Malakanyang ang mga kaganapan kaugnay sa tumataas na bilang ng nabibiktima ng coronavirus disease (COVID-19).
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa ipatutupad na mga protocol ng mga ospital sa pagtanggap sa mga pasyente kaugnay sa naiulat na overcrowding bunsod ng COVID-19 threat.
Ayon kay Panelo, nakarating na sa kaalaman ng Palasyo ang nararanasan ng mga ospital kaugnay sa usapin ng overcrowding.
“While we encourage everyone to consult or see a healthcare provider in case they experience any symptom of the virus, mild or otherwise, we wish to reiterate what our health officials have been saying to the public: Those considered close contacts with symptoms of COVID-19 should be prioritized in obtaining medical attention and management,” sabi ni Panelo.
Pinaliwanag ni Panelo na kasama sa itinuturing na close contacts ang mga indibidiwal na may travel history sa nagdaang 14 na araw sa mga bansang may naiulat na local transmission o ‘di kaya ay yaong mga may history ng exposure sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
Nauna nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency sa buong bansa bunsod ng pagdami ng bilang ng mga apektado kumpirmadong kaso ng COVID-19. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.