44K NEGRENSE FARMERS AND FISHERFOLK GET CROP INSURANCE SUBSIDY

CROP INSURANCE

BACOLOD CITY – NAKINABANG ang 44,690 magsasaka at mangingisda sa Negros Occidental sa halos PHP83 milyon halaga ng crop insurance premium subsidy noong 2018.

Base sa pigura na ini-release ng Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC), mayroong PHP72.9 million na napunta sa mga nag-enrol sa ilalim ng Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) hanggang nitong nagdaang Biyernes.

Ang halaga ay kasama sa PHP56.5 million para sa crop sector na komokober sa 28,937 recipients ng bigas, mais, high-value crops at fishery insurance lines para sa  27,846.19 ektarya.

Sa total na 6,051 na tatanggap mula sa livestock sector na sumasakop sa 17,338 ektarya ng magkasamang lugar, nakinabang ng halos PHP15.8 mil-lion sa subsidiya habang 438 mangi­ngisda ang binigyan ng PHP690,400 sa ilalim ng non-crop insurance (NCI), lalo na ng fishing boats.

Gayundin, PHP9.8 million sa crop insurance premium subsidy ay napunta sa mga magsasaka at mangingisda na naka-enrol sa Negros First Universal Crop Insurance Program (NFUCIP).

Kasama rito ang halos PHP8.3 million na naibigay sa  8,277 rice at corn farmers, na may total area na 9,772.50 ektarya at PHP1.5 million para sa 987 magsasaka sa ilalim ng NCI.

Sinabi ni Jose Ma. Torres, hepe ng PCIC-Negros Occidental Provincial Extension Office, na ang halaga ng nagamit na premium subsidy ay sumakop sa mga nabigyan nito sa pamamagitan ng NFUCIP at RSBSA.

Ang NFUCIP ay ipinatutupad ng PCIC, sa pakikipagtulungan sa Negros Occidental Office of the Provincial Agriculturist, habang ang RSBSA ay nasa ilalim ng Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Torres na ang premium subsidy, lalo na para sa bigas at mais ay 10 porsiyento ng total “amount of cover” o ang halaga na puwedeng makuha ng naka-enrol na magsasaka at mangingisda.

“The national government is paying the PCIC for the insurance premium subsidy. The fund is downloaded by the DBM,” dagdag pa niya.    PNA

Comments are closed.