45.8M SIM CARDS NAIREHISTRO NA

MAY 45.86 million SIMs ang nairehistro na hanggang noong March 15, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sinabi ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo na kumakatawan ito sa 27.12 percent lamang ng kabuuang 169.97 million SIM subscribers.

Aniya, malalaman nila ang lehitimong kabuuang bilang ng SIM users sa sandaling matapos ang pagpaparehistro dahil maraming SIM cards ang ginamit sa crime-related activities tulad ng kidnapping at scams.

Dagdag pa niya, pinag-aaralan pa nila ang posibilidad ng pagpapalawig sa SIM registration na magtatapos sa April 26.

“Patuloy tayong nagmo-monitor sa dami ng nagrerehistro bawat araw at ito ay magiging basehan kung itutuloy ba ang extension o hindi. Ang nakalagay sa IRR, may prerogative ang DICT to extend another 120 days,” ani Lamentillo.

“Ngayon, pinag-aaralan natin ang possibility of extension but we haven’t decided yet,” dagdag pa niya.

Ang deadline ng SIM registration ay sa April 26.